October 26, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Kumapit sa three-way tie sa No. 2 ang last year’s runner-up De La Salle University matapos nilang panain ang 86-77 panalo kontra host school University of Sto. Tomas sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.
Bumida sa opensa si Jc Macalalag sa nirehistrong 18 points, apat na rebounds, tatlong assists at isang steal para akbayan ang Green Archers sa pagtarak ng three-game winning streak at ilista ang 5-3 record.
Kaparehong karta ng Taft-based squad ang kanilang biktima at defending champions University of the Philippines habang solo sa tuktok ng team standings ang National University na may 6-2 baraha.
Sa unang laro, nilipad ng Adamson University ang three-game winning streak matapos nilang kalusin ang makukulit na University of the East, 56-53.
Inilista ng Adamson ang 4-4 karta at saluhan sa fifth place ng team standings ang Ateneo.