Anak ni Pacquiao nagningning | Pilipino Star Ngayon


Chris Co — Pilipino Star Ngayon

October 31, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Unti-unting gumagawa ng ingay ang anak ni eight-division world champion Manny Pacquiao na si Eman Bacosa na nagpasiklab din sa undercard ng Thrilla in Manila 2 sa Smart Araneta Coliseum.

Iginupo ni Bacosa ang kababayang si Nico Salado sa kanilang six-round lightweight match sa pamamagitan ng unanimous de­cision win.

Nakuha ni Bacosa ang 58-55, 58-55 at 60-53 iskor mula sa tatlong hurado.

Wala pa ring talo si Bacosa sa kanyang pitong laban habang laglag si Sa­lado sa 2-2-1 win-loss-draw.

Nais ni Bacosa na ialay ang kanyang tagumpay sa lahat ng mga sumusuporta sa kanyang laban.

Tumungtong si Bacosa sa ibabaw ng ring suot ang shorts na may malaking pangalan na ‘Pacquiao’ dito.

Si Pacquiao ang nangu­na sa pagdaraos ng ika-50 anibersaryo ng Thrilla in Manila sa pagitan nina Muhammad Ali at Joe Frazier na ginanap noong 1975.