November 1, 2025 | 12:00am
NAPAKALAWAK ng bakuran ng bahay ni Tandang Santo. Sa likuran ng bahay ay mayroon pang isang magandang bahay na kagagawa lamang dahil bagumbago ang pinta. Baka nasa isang esktarya ang lawak ng lupa.
“Mayaman siguro si Tandang Santo,’’ sabi ni Apol.
“Oo Apol, ang laki ng property niya!” sabi ni Guava.
Maski si Manang ay manghang-mangha.
“Dito po tayo sa likod—narito po ang pagamutan ni Tandang Santo,’’ sabi ng babae.
Sumunod sina Apol.
Tinungo nila ang isang malaking kuwarto na ang mga bintana at pinto ay gawa sa metal at salamin.
Itinulak ng babae ang pinto.
Nakita nila sa loob ang isang lalaki na mukhang kagalang-galang at hindi bagay na tawaging “Tandang Santo”.
Mukhang bata pa ang lalaki at sa kilos ay mabait.
“Magpapagamot daw po sila, Tandang Santo,’’ sabi ng babae.
“Maupo kayo,’’ sabi ni Tandang Santo.
(Itutuloy)