Giddey, Vucevic hataw sa Bulls


Pilipino Star Ngayon

November 2, 2025 | 12:00am

CHICAGO — Binuksan ng Bulls ang NBA Cup sa pamamagitan ng 135-125 pagsuwag sa New York Knicks.

Kumolekta si Josh Giddey ng career high 32 points bukod sa 10 rebounds at 9 assists para sa Chicago (5-0).

Nagdagdag si Nikola Vucevic ng 26 markers habang may 22 points si Ayo Dosunmo.

Pinamunuan ni Jalen Brunson ang New York (2-3) sa kanyang 29 points kasunod ang 26 markers ni OG Anunoby.

Kinuha ng Bulls ang 72-53 abante sa halftime.

Isang 23-9 atake ang inilunsad ng Knicks sa fourth quarter para makalapit sa 113-115 sa huling 5:43 minuto.

Kumamada sina Giddey at Vucevic para mu­ling ilayo ang Chicago at selyuhan ang panalo sa New York.

Sa Indianapolis, humakot si Jalen Johnson ng 22 points at 13 rebounds habang may 21 markers si Nickeil Alexander-Walker sa 128-108 pagdagit ng Atlanta Hawks sa Indiana Pacers.

Naglaro ang Hawks (3-3) na wala si four-time All Star Trae Young na may sprained right knee.

Pinamunuan ni Pascal Siakam ang Pacers (0-5) sa kanyang 18 points kasunod ang 17 markers ni Jarace Walker.

Sa iba pang laro, tina­kasan ng Boston Celtics ang Philadelphia 76ers, 109-108; panalo ang Toronto Raptors sa Cleveland Cavaliers, 112-101; binigo ng Los Angeles Lakers ang Memphis Grizzlies, 117-112; at tinusta ng Phoenix Suns ang Utah Jazz, 118-96.