Pilipino Star Ngayon
November 2, 2025 | 12:00am
CHICAGO — Binuksan ng Bulls ang NBA Cup sa pamamagitan ng 135-125 pagsuwag sa New York Knicks.
Kumolekta si Josh Giddey ng career high 32 points bukod sa 10 rebounds at 9 assists para sa Chicago (5-0).
Nagdagdag si Nikola Vucevic ng 26 markers habang may 22 points si Ayo Dosunmo.
Pinamunuan ni Jalen Brunson ang New York (2-3) sa kanyang 29 points kasunod ang 26 markers ni OG Anunoby.
Kinuha ng Bulls ang 72-53 abante sa halftime.
Isang 23-9 atake ang inilunsad ng Knicks sa fourth quarter para makalapit sa 113-115 sa huling 5:43 minuto.
Kumamada sina Giddey at Vucevic para muling ilayo ang Chicago at selyuhan ang panalo sa New York.
Sa Indianapolis, humakot si Jalen Johnson ng 22 points at 13 rebounds habang may 21 markers si Nickeil Alexander-Walker sa 128-108 pagdagit ng Atlanta Hawks sa Indiana Pacers.
Naglaro ang Hawks (3-3) na wala si four-time All Star Trae Young na may sprained right knee.
Pinamunuan ni Pascal Siakam ang Pacers (0-5) sa kanyang 18 points kasunod ang 17 markers ni Jarace Walker.
Sa iba pang laro, tinakasan ng Boston Celtics ang Philadelphia 76ers, 109-108; panalo ang Toronto Raptors sa Cleveland Cavaliers, 112-101; binigo ng Los Angeles Lakers ang Memphis Grizzlies, 117-112; at tinusta ng Phoenix Suns ang Utah Jazz, 118-96.
