Piolo Pacquiao | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

November 2, 2025 | 12:00am

Big hit si Eman Bacosa sa Thrilla in Manila Part 2 nung Miyerkules sa Araneta Coliseum.

Unang-una, alam ng lahat kung sino ang ama niya. Walang iba kundi si Manny Pacquiao.

Pangalawa, nagpakita si Eman ng galing sa loob ng ring para talunin ang kalaban niya from Bohol. Unanimous decision.

At pangatlo, pansin ng fans ang pagkakahawig ni Eman sa sikat na celebrity actor na si Piolo Pascual.

Nagkalat tuloy ang posts sa internet na pinagtabi ang pictures ng 21-year-old na Eman at Piolo.

Well, may hawig nga.

Dahil dito, tiyak na lalaki ang fan base ni Eman na undefeated sa lightweight division (7-0).

Ang sabi ng iba, may option na si Eman in case dehins siya maging successful as a boxer.

Pwede siya mag artista or endorser or influencer.

May video pa ng paglapit ni Eman kay Pacquiao sa ringside at nagmano pa ang batang boxer kay Jinkee Pacquiao.

Of course, bakas rin ang resemblance ni Eman kay Pacquiao.

Which means, kamukha rin ni Pacquiao si Piolo.