Kings nakawala sa Milwaukee Bucks


Pilipino Star Ngayon

November 3, 2025 | 12:00am

MILWAUKEE — Bumi­ra si Zach LaVine ng 31 points, habang may 29 mar­kers si DeMar DeRozan para banderahan ang Sacramento Kings sa 135-133 pagtakas sa Bucks.

Naiwanan ang Milwau­kee (4-2) sa 102-108 papa­sok sa final period at nakadikit sa 132-133 sa huling 51 segundo matapos ang three-point shot ni center Myles Turner.

Mintis si DeRozan sa kanyang pullup jumper sa posesyon ng Sacramernto (2-4).

Minalas naman ang Bucks na samantalahin ito nang magkaroon ng turn­over si Giannis Anteto­kounmpo sa nalalabing 19 segundo.

Ipinasok ni point guard Dennis Schroder ang dalawang free throws sa huling 14.8 se­gun­do para ibigay sa Kings ang 135-132 abante.

Ang free throw ni A.J. Green ang naglapit sa Mil­­­waukee sa 133-135 sa na­titirang 1.1 segundo.

Kumolekta si Domantas Sabonis ng 24 points at 13 rebounds at umiskor din si Schroder ng 24 markers para sa Sacramento.

Tumapos si Anteto­kounmpo na may 26 points, 11 rebounds at 8 assists sa panig ng Bucks.

Sa iba pang laro, pinulutan ng Minnesota Timberwolves ang Charlotte Hornets, 122-105; dinispatsa ng Indiana Pacers ang Gol­den State Warriors, 114-109; sinunog ng Phoenix Suns ang Boston Celtics, 128-101; at pi­natumba ng Detroit Pistons ang Dallas Mavericks, 122-110.