Alas girls talo sa Chinese Taipei


Pilipino Star Ngayon

November 7, 2025 | 12:00am

AMMAN, Jordan — Na­ta­pos ang kampanya ng Alas Pilipinas girls sa 2nd Asian Volleyball Confe­de­­ration (AVC) Asian Wo­­men’s U16 Volleyball Cham­pionship matapos ang 14-25, 21-25, 15-25 ka­­biguan sa Chinese Taipei sa Final Eight round dito sa Prince Hamzah Sports Hall no­ong Miyerkules ng gabi.

Pinamunuan ni team captain Xyz Rayco ang mga Pinay spikers sa kanyang 12 points.

Nagdagdag si Nadeth Her­bon ng 11 points, habang may 15 excellent digs si libero Frances Ramos.

Isasara ng Alas girls ang kanilang Final Eight campaign sa pagsagupa sa Thailand bago maglaro sa classification round pa­ra sa 5th hanggang 8th pla­ces.

Si Rayco ang nanguna sa tropa sa second set kung saan nila kinuha ang 17-12 bentahe.

Naagaw ng mga Taiwa­nese ang kalamangan mu­la sa isang 6-0 atake pa­tungo sa 25-21 panalo at ilis­ta ang 2-0 abante sa laro.

Tuluyan nang tinapos ng Chinese Taipei ang laro sa third frame sa pamumuno ni top scorer Chen Ting-Yi at Chang Yun-Chen.

Swak ang Chinese Taipei, nagtala ng 2-0 record sa Pool F, sa semifinals kasama ang Japan na win­a­lis ang Thailand, 25-19, 25-16, 25-19.

Nakakuha rin ang dalawang koponan ng tiket para sa FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship.