November 12, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Target ni Alex Eala na magarbong tapusin ang taong ito sa pagsabak sa Macau Tennis Masters na gaganapin sa Disyembre 27 at 28 sa Macau, China.
Mismong si Eala ang nagpost ng magandang balita sa kanyang social media kung saan sasalang ito sa Macau Masters kasama ang iba pang mahuhusay na tennis players.
Isang exhibition format ang ipatutupad sa naturang event na pamumunuan nina tennis legends dating Grand Slam champion Li Na at Conchita Martinez.
Maliban kay Eala, masisilayan din sa aksyon sa naturang event sina world No. 9 Mirra Andreeva, at sina ATP players Shang Juncheng, Jack Draper at Jakub Menšík.
Nasa No. 50 si Eala sa pagtatapos ng WTA season. Ito ang bagong career-high ng Pinay netter sa world rankings.
“My season comes to an end. I have no words to describe what 2025 has brought me. My dreams have truly come alive,” ani Eala.
