November 12, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Pakay ng National University na palakasin ang kapit sa tuktok ng team standings upang makasiguro ng playoff spot para sa twice-to-beat advantage sa Final Four sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament.
Nakatakdang harapin ng Bulldogs ang tigasin din na Far Eastern University ngayong alas-4:30 ng hapon na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena habang magkatapat sa unang laro ang University of the East at University of Sto. Tomas sa alas-2 ng hapon.
Nakatuon din ang isipan ng NU na makalaro sa finals upang maisakatuparan ang naudlot na asam na titulo nakaraang season.
“I already laid down doon sa samahan namin over the past years and I already shared my thoughts kung ano kailangan. Hopefully, naintindihan nila yung message ko sa kanila para kung ano ‘man gusto namin ma-achieve this year, talagang makuha namin talaga yung gusto namin ma-achieve,” ani NU coach Jeff Napa.
Huhugot ng lakas si Napa kina Mark Parks, kapatid ni two-time season MVP Ray Parks at Jake Figueroa upang masakmal ang panalo.