November 12, 2025 | 12:00am
Sa kasagsagan ng Typhoon Tino sa Mandaue City last week, lumitaw ang isang super hero.
Walang kapa. Dehins lumilipad. Pero malaking tao. Si JR Quiñahan pala.
Tumulong si JR magligtas ng mga buhay ng bata, kabilang ang isang sanggol, at matatanda, at mga tauhan niya sa kanyang fast food resto.
Dagsa ang baha at either inanod or lubog sa putik ang kanyang ari-arian, kabilang ang appliances, damit at motorsiklo.
Dinala niya sa mataas na lugar sa subdivision ang pamilya niya. Pero imbes na mamahinga na, bumalik siya para magligtas ng iba.
Dehins na niya inisip ang mga gamit. Anya, kaya ito ulit ipundar. Para kay JR, mas mahalaga ang buhay.
In the end, maraming natulungan si JR. Pambihirang tapang at sakripisyo.
Bagay na bagay sa battlecry ni coach Yeng Guiao sa mga players niya sa Rain or Shine: Buwis Buhay.
Matagal na player ni coach Yeng si JR. Nag-abot pa sila sa NLEX, ang last team ni JR sa PBA. Kaso, dehins maganda ang ending nung 2023 dahil sa issue ng ligang labas at away.
In short, wala na sa PBA si JR na ngayon, sa edad na 41, ay naglalaro sa Cebu sa MPBL.
Kung kaya pa ni JR, he deserves another chance or one last chance sa PBA.
Calling coach Yeng.