November 13, 2025 | 12:00am
“May mga tao nga kayang paborito ng mga engkanto, Guava?” tanong ni Apol.
“Siguro.”
“’Yan ang itanong natin kay Tandang Santo sa pagdalaw uli natin sa kanya.”
“Oo Apol. Bukod dun marami pa akong itatanong.”
“Sasabihin mo ba sa papa at mama mo ang mga nangyayari sa iyo o hindi na?”
“Saka ko na lang sasabihin sa kanila, Apol.”
“Isa pang dapat nating itanong kay Tandang Santo ay kung ano ang kahulugan ng dilaw na tsinelas na bigay sa iyo ng babae. At bakit ito iniwan sa bakuran ko.”
“Oo nga Apol. Nahihiwagaan ako sa dilaw na tsinelas. Nawala sa akin tapos napunta sa dalagita at iniwan sa bakuran mo.”
“Hindi kaya yung spot na pinag-iwanan ng dalagita sa bakuran ko ay may nakabaong kayamanan?”
Nagtawa si Guava.
“Dahil susuwertihin daw tayo, ganun?”
“Oo. Kasi paano tayo yayaman e hindi naman tayo tumataya sa lotto. Baka dun sa bakuran ko, may Yamashita treasure.”
Napahagikgik si Guava.
(Itutuloy)