Pagod na relasyon | Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love — Pilipino Star Ngayon

November 14, 2025 | 12:00am

Dear Dr. Love,

Halos mahigit dalawang taon na kaming live-in ng girlfriend ko. Nitong nakaraang taon naoobserbahan ko na nagiging madalas ang pagtatangka niyang mag-suicide.

Ipinagpapasalamat ko lang na naaabutan ko siya sa bawat attempt niya. Hindi po biro ang intense ng emosyon dun.

At hindi ko po maikakaila sa aking sarili na naaapektuhan na ako. Nakakaramdam na ako ng pagod.

Bagamat ayaw ko siyang iwan sa ganong kalagayan, pero kung hindi ako mag-a-adjust ikade-depress ko na po ang miserableng sitwasyon namin.

Paano naman ang mental health ko? Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang gagawin ko.

Rick

 

Dear Rick,

Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Ta-lagang hindi madali ang sitwasyon na may mahal sa buhay na paulit-ulit na pinagtatangkaan ang sariling buhay.

Hindi mo kaila-ngang harapin ‘yan nang mag-isa dahil imposible ‘yun.

Humingi ka ng saklolo. Sikapin mo na maiparating ang si-twasyon sa pamilya ng iyong girlfriend.

Dahil higit kanino man, sila ang makakatulong sa kanya.

Ang pagiging totoo sa sarili ay hindi kasalanan, kung hindi mo na nakikita ang sarili mo na tatagal sa relasyon ninyo ng iyong girlfriend, i-open mo ito sa kanyang pamilya nang sa gayon ay maunawaan nila ang side mo.

Sa pamamagitan nito maipapakita mo ang sinseridad na tiyaking nasa maayos siya sa kabila ng iyong pasiya na pagtuunan ang sariling kalusugan.

Hinahangaan kita sa pagiging tapat mo sa iyong sarili.

Dr. Love