Bubot na Bayabas (120) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie Halos — Pilipino Star Ngayon

November 15, 2025 | 12:00am

“SANA nga may kayamanan sa bakuran mo, Apol para masaya tayo,’’ sabi ni Guava.

“Pero kung wala mang kayamanan sa bakuran ko, okey lang dahil mayroon na akong nag-iisang kayamanan—na higit pa sa ginto at diyamante,” sabi ni Apol.

“Wow! Ano ang kayamanan mong ‘yun?”

“Ikaw, Guava. Higit ka pa sa kayamanan. Ikaw ang nag-iisa kong yaman.”

“Salamat Apol. Ganyan din ang sasabihin ko sa’yo. Okey na wala akong kayamanan sapagkat ikaw lang ay sapat na sa akin.”

Pinisil ni Apol ang ­palad ni Guava.

“Salamat Guava.”

Ginantihan ni Guava ng pisil sa palad ang ­sinabi ni Apol.

“Pero kung may treasure sa bakuran mo, mas masaya di ba?”

“Oo naman.”

“Pagdalaw natin kay Tandang Santo, itanong natin sa kanya kung ­paano tayo susuwertihin,” sabi ni Guava.

“Sige. Sa Linggo ­punta uli tayo kay Tandang Santo,” sabi ni Apol.

LINGGO ng umaga, nagtungo uli sila sa Nagcarlan. Kasama nina Guava at Apol si Manang.

(Itutuloy)