Pilipino Star Ngayon
February 25, 2025 | 12:00am
MILWAUKEE -— Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 23 points, 16 boards at 7 assists para tulungan ang Bucks sa 120-113 pagpapalamig sa Miami Heat.
Bumira si Damian Lillard ng 28 markers para sa Milwaukee (32-24) at may 17, tig-16 at 11 points sina Brook Lopez, Kyle Kuzma, Gary Trent Jr. at Kevin Porter Jr., ayon sa pagkakasunod.
Nagpasabog si Tyler Herro ng 40 points para banderahan ang Miami (26-29) na nakahugot kay Bam Adebayo ng 24 points at may 20 markers si Andrew Wiggins.
Humataw ang Bucks ng 35 points sa kabuuan ng fourth quarter at nilimitahan ang Heat sa 20 markers.
Sa Minneapolis, nagkadena si Shai Gilgeous-Alexander ng 37 points, 8 rebounds at 8 assists sa 130-123 pagsisiw ng Oklahoma City Thunder (46-10) sa Minnesota Timberwolves (31-27).
Sa Boston, nagkuwintas si Jayson Tatum ng 25 points, 10 rebounds at 9 assists para banderahan ang nagdedepensang Celtics (41-16) sa 118-105 paggupo sa New York Knicks (37-20).
Sa San Francisco, kumamada si Stephen Curry ng 30 points sa 126-102 paggiba ng Golden State Warriors (30-27) sa Dallas Mavericks (31-27).
Sa Cleveland, bumira si Donovan Mitchell ng 33 points para akayin ang Cavaliers (47-10) sa 129-123 pagtusok sa Memphis Grizzlies (37-20).
