November 24, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Isa lang sa mag-utol na No. 3 PLDT at No. 6 Cignal ang papasok sa knockout semifinals ng 2025 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.
Maghaharap ang High Speed Hitters at Super Spikers ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng No. 2 ZUS Coffee Thunderbelles at No. 7 Capital1 Solar Spikers sa alas-4 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Sa unang laro sa alas-11 ng umaga magduduwelo ang No. 1 Farm Fresh Foxies at No. 8 Akari Chargers kasunod ang banatan ng No. 4 at nagdedepensang Creamline Cool Smashers at No. 5 Petro Gazz Angels sa ala-1:30 ng hapon.
Umiskor ang Cignal ng isang five-set win sa Creamline, habang nakatikim ang PLDT ng four-set loss sa Petro Gazz sa kanilang mga huling laro.
“Always ko naman sinasabi na sobrang happy and proud sa team, and we know naman talaga na pinaghihirapan din lahat ng nagiging result ngayon,” ani coach Shaq delos Santos sa Super Spikers na nasa isang three-game winning run.
Muling aasa si Delos Santos kina Slovak import Katrin Trebichavska, Erika Santos, Vanie Gandler, Rose Doria-Aquino, Jackie Acuña at Gel Cayuna.
Ang semis berth din ang pag-aagawan ng Creamline at Petro Gazz.
