November 30, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Sa 1,600 national delegation na ipapadala sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand ay 140 dito ay mga gold medalists sa nakaraang 2025 Palarong Pambansa at Batang Pinoy.
Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio na ngayon pa lang ay dapat nang bigyan ng international exposure ang mga bagitong atleta.
“Para mabigyan lahat ng exposure lahat ng atleta at para magkaroon ng mas maraming medalya,” wika ni Gregorio.
“Pero kung ako ang tatanungin n’yo, ang ex- posure, iyan ang investment natin so they can compete better pagdating ng Asian Games at Olympics,” dagdag ng PSC chief.
Nakatakda ang 2025 Thailand SEA Games sa Disyembre 9 hanggang 2.
Ang 1,600 bilang ng mga atleta ang pinakamalaking isasabak ng Pinas sa kasaysayan ng SEA Games.
Tumapos sa fifth place ang Team Philippines sa Cambodia SEA Games noong 2023 sa nahakot na 58 gold, 85 silver at 117 bronze medals.