Bubot na Bayabas (137) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

December 2, 2025 | 12:00am

NANG ma­kapasok si Apol sa bahay ay may nadama siyang kakaiba. Parang gumaan ang pakiramdam niya. Hindi niya maipaliwanag.

Naghanap siya ng mga palatandaan kung may iniwan ang dalagita sa loob ng bahay.

Wala naman siyang nakita. Kung ano ang ayos ng bahay nang umalis­ siya kaninang umaga, ga­nito pa rin ang ayos. Walang pagbabago. Walang naiba.

Nang tunguhin ni Apol ang bintana, nagulat siya sapagkat may malamig na hangin na sumampal sa kanya. Iglap ang sampal ng malamig na hangin.

Natulala si Apol.

Ang dalagita kaya ang may gawa niyon? Pero gaya ng sabi ni Manang, umalis na ang dalagita. Siya kaya ang sumampal o guniguni lang niya ang lahat.

Naupo si Apol sa sopa.

Maya-maya nag-ring ang cell phone niya.

Si Guava!

“Hello Guava!”

“Apol, nakita ko ang dalagita. Nakatayo sa may gate!”

Itutuloy