December 18, 2025 | 12:00am
Nadagdagan na naman ang pogi points ni PCSO General Manager Mel Robles matapos gawaran bilang top performance awardee sa evaluation ng Government Commission for GOCCs GOG) sa taong 2024. Binigyan ng GOG ng 100.63 percent performance rating, at nilampasan pa ang ibang GOCC na umani rin ng ibang awards. Nakupooo lampas pa sa 100 percent ah!
Super galing ang performance ng PCSO sa liderato ni Robles. Ganun talaga, di ba mga kosa? Sa awarding ceremony na ginanap sa Parañaque City, kinilala ang PCSO dahil sa kanilang exemplary performance, “demonstrating the agency’s drive toward accountability, good governance, and improved citizen-centered service delivery.” Eh di wow!
Ayon kay Robles, ang 2024 score ng PCSO ay dahil sa mga major indicators na ipinataw ng GOG, tulad ng “terms of social impact, sustained and increased revenues, collection efficiency, budget utilization, customer satisfaction, improved process efficiency, ISO certification, human resource development, advancement in technology, among others.” Gets n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ni Robles na hindi lang nakamtan ng PCSO ang kanilang targets dahil sa near-perfect execution, at nakakuha pa sila ng karagdagang puntos dahil sa full compliance ng R.A. No. 9710 o ang Magna Carta for Women sa paglunsad ng Gender and Development programs.
“The said scoring is based on PCSO’s commitment to operational excellence, transparency, and delivering impactful public service to Filipinos nationwide,” ani Robles. Ang extra points, ayon kay Robles, ay nakamtan sa pamamagitan ng PCSOs “broader commitment to gender-responsive governance” kaya’t nakuha nila ang lampas 100 percent na final rating. Dipugaaa!
Ang award ay tinanggap nina Robles, PCSO chairman Felix Reyes at mga miyembro ng PCSO Board of Direcors sa ginanap na GOC recognition ceremony. Weder-weder lang talaga!
“There is no greater motivation a government agency can have than putting its heart and soul into charity and public service. But this recognition inspires us more to work even harder and uphold a culture of excellence in serving the people,” ani Robles.
Hindi naman maikakaila na halos taun-taon ay bumubulusok paitaas ang performance ng PCSO. Mula sa 56.3 percent rating noong 2021, bigla itong tumalon sa 92.03 percent sa taon 2022 kung saan binigyan din ito ng award na Most Improved GOCC.
Noong 2023 naman, nakakuha ang PCSO ng 98.01 percent rating at kinilala ring Top 10 GOCC. Sanamagan! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Matatandaan na sa taon 2024 binigyan parangal din ang PCSO matapos kilalaning Gender and Development Awardee ng Philippine Women’s Commission. Naging first runner-up din ito sa Freedom of Information (FOI) Champion Awards sa ilalim ng GOCC category, kung saan si Robles ay kinilalang Leadership Awards finalist.
Sa kabila ng samu’t saring awards ng ahensiya, hindi naman nagkulang ang liderato ni Robles sa serbisyong kawanggawa sa pamamagitan ng pagdeliber ng mga ambulansiya, at medical equipment at medical assistance nationwide.
Sa liderato ni Robles, ang inuuna ay ang pagtulong sa pag-angat ng buhay ng mga Pinoy, sabay pagsiguro na ang kinitang revenues ay mapupunta sa life-changing support sa mga ‘yaong hikahos sa buhay nating kababayan. Ganun na nga!
Abangan!