2 lalaki na biktima ng salvage, itinapon sa kalsada


John Unson — Pilipino Star Ngayon

December 26, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang dalawang bangkay na natagpuan nitong Miyerkules ng umaga sa boundary ng Barangay Panicupan at Barangay Napalaaan, Pikit, Cotabato.

Sa paunang impormasyon mula sa mga otoridad, kapwa wala ng buhay ang dalawang lalaki na kapwa nakagapos ang mga kamay nang madiskubre ng mga residente sa lugar.

May indikasyon umano ng karahasan sa mga katawan ng biktima, dahilan na maikonsdera ang anggulong summary execution.

Agad na rumesponde ang mga pulis at barangay officials upang i-secure ang lugar at magsagawa ng imbestigasyon.

Isinailalim na rin sa documentation at forensic examination ang mga bangkay upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay at pagkakakilanlan ng mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng motibo at kung sino ang nasa likod ng krimen, habang nananawagan ang mga sa sinumang may impormasyon na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.