Nangangaliwa si ate | Pilipino Star Ngayon


Pilipino Star Ngayon

January 9, 2026 | 12:00am

Dear Dr. Love,

Ulila na kami sa magulang. Bukod tanging ang bayaw ko na lang na isang seaman ang tumutulong sa pagtustos ng pag-aaral ko.

Ang kaso, hindi alam ng bayaw ko na may ibang lalaki ang ate ko habang nasa barko siya. Hindi ko naman masumbong ang ate ko kahit inis na inis na rin ako.

Pero sukdulan na ang pagkamuhi ko sa ate ko. Dahil graduate na sana ako. Pero ‘yung pera na pambayad ng tuition ko ay ginastos niya para sa lalaki niya.

Sobrang laki na ng utang ko sa school. Hindi ko naman masabi sa bayaw ko. Kaya naglayas na lang ako sa bahay nila.

 Nagso-sorry ang ate ko. Pero hindi ko siya magawang patawarin.

Ngayon ay nagtitiis akong makitira sa kaibigan ko at pinagkakasya ang sahod sa maliit na trabaho.

Balak ko sana gumamit ng ibang account sa messenger para hindi alam ng ate ko na ako ang nagbuking sa kanya.

Tama ba ako?

Jared

Dear Jared,

Pag-isipan mong mabuti dahil may consequences ang binabalak mo.

Pero kung sa palagay mo ay makakagaan at makakawala ng iyong galit ang pagsusumbong sa iyong bayaw tungko sa ginagawa ng ate mo, gawin mo.

Panahon na rin marahil para mapag-usapan at maayos ang hindi ninyo pagkakaunawaan.

Tama rin na nagsusumikap ka sa sarili mong paraan para sa iyong kinabukasan. M

Sa huli ay ikaw pa rin ang magpapasya sa gagawing desisyon. Nawa’y pinakamabuti ang magawa mo.

Dr. Love