January 9, 2026 | 12:00am
“KAYA mo pang umakyat sa punong bayabas?”, nag-aalalang tanong ni Guava sa asawang si Apol.
“Oo naman.”
“Baka ka mahulog! Madulas ang katawan ng bayabas.”
“Hindi! Yakang-yaka ko pang umakyat.”
“Humawak kang mabuti, Apol.”
“Oo.”
Umakyat si Apol. Mabilis itong nakaakyat sapagkat kabisado na niya ang mga hahawakang sanga. Mas madaling kumapit sa mga sanga sapagkat malaki na ang mga ito. Kasinglaki na ng braso niya ang mga sanga.
Nang nasa itaas na, tuwang-tuwa si Apol sapagkat halos humalik na sa kanya ang mga bunga ng bayabas. Hindi nagbabago ang dami ng bunga ng bayabas. Hitik na hitik.
“Mag-ingat ka Apol!” sigaw ni Guava.
“Oo, nakahawak ako. Don’t worry!”
“Baka ka madulas!”
“Hindi.”
Pumitas na si Apol ng mga bayabas. Pawang manibalang ang pinili niya.
“Guava, saluhin mo itong mga pinitas ko.”
“Mga manibalang ba yan?”
“Oo.”
Inihagis ni Apol ang mga pinitas na bayabas.
(Itutuloy)