January 20, 2026 | 12:00am
LUMABAS mismo sa bunganga ni DPWH Secretary Vince Dizon na sablay at mali-mali pala ang mga grid coordinates na ginamit ng ahensiya niya kaya hindi nila makita ang mga proyektong nakasaad doon.
Sinang-ayunan ang tinuran ni Boss Vince ang naunang pahayag ni Sen. Ping Lacson na mali-mali nga ang grid coordinates na ginamit nang magsagawa sila ng site inspections kaya’t nagkabulilyaso ang mga kaso sa flood control scams na isinampa o ikinasa pa lang nila.
At ang itinuturo nilang dahilan kung bakit nagkasablay-sablay ang kanilang mga datos ay walang iba kundi si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, na anila ay sinadyang ilihis at maliin ang grid coordinates ng mga proyekto na isinumite niya sa “Isumbong mo sa Pangulo” website.
Hindi ba na itong website rin ang ginawang basehan nina Boss Ping at Boss Vince para puntahan ang mga lugar na hinihinalang may mga maanomalyang proyekto? Tanong lang po!
Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Pero dahil mali-mali nga ang grid coordinates, siyempre nagresulta ito ng kawalan nilang nakitang ginagawang proyekto, na siya namang ginawa nilang basehan para sabihin na may mga ghost projects at kinagat ni Ombudsman Boying Remulla.
At ito namang si Boss Boying ay isinampa kaagad ang mga kaso sa Sandiganbayan na hindi na halos nirebisa at inaral para may maipakulong agad ang mga suspects, kaya ang resulta ay sablay na mga kaso.
Nagmamadali ‘ata si Boss Boying na maisakatuparan ang pangako nila na may maipapakulong silang “big fish’ bago mag-Christmas kaya’t hayun sablay nga. Purbidang yawaahhh! May pangambang sa kangkungan dadamputin ang mga kasong isinampa ni Boss Boying kaya’t para bumawi, tinakot na lang ang Sandiganbayan. Dipugaaa! Gets n’yo mga kosa?
Sa isang panayam kay Boss Vince sa radio program ni Ted Failon nitong nakaraang Biyernes ay inamin niya na “totoo talaga na maraming mga proyekto ang hindi mahanap dahil mali ang grid coordinates na isinumite sa “Isumbong sa Pangulo” website.”
Aniya, siya mismo ay nakaranas na walang makitang proyekto ng magpunta at mag-inspection siya sa Mindoro dahil sa maling coordinates. Paano ngayon ‘yan?
Siyempre hindi naman papayag ang Sandiganbayan na basta na lang na magbaba ng hatol na hindi dumadaan sa maayos na proseso at sumusunod sa alituntunin ng batas at Konstitusyon? Mismooo! Anong sey n’yo mga kosa?
Kaya ito rin malamang ang dahilan kung bakit binibira na ni Boying ang Sandiganbayan noong nakaraang Linggo, para kung sakali nga naman na mabulilyaso ang mga kaso nila ay hindi sila masisisi. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Dapat kasi ay hindi magpapadala sa emosyon at urot ng mga taga media ang mga magigiting nating mga prosecutors, lalo na iyong mga humahawak ng kaso sa flood control at aralin nilang maigi ang mga dokumento at ebidensyang hawak nila.
Huwag kasi silang tamad at umaasa lang sa mga ibinabatong impormasyon ng kung sino-sino, dahil malamang sa hindi uusad ito at imbes ay sasablay pa. Sino kaya ang na-Wow mali? Si Boss Vince kaya? O ang mga nagsumbong sa website ng Pangulo? Tsk tsk tsk! Kawawa naman ang mga inosenteng tinamaan ng sablay na ito. Abangan!