January 25, 2026 | 12:00am
TAHIMIK na tahimik sa bahay na inuupahan nina John at Marie. Walang tao? Dati, kapag nagwawalis siya sa umaga ay naririnig niya ang kalantog o bagsak ng bagay sa kabilang bahay. Pero ngayon ay wala siyang marinig.
Baka naman tulog pa sina John at Marie?
Alas otso na ng umaga.
Masarap magbabad sa higaan lalo na kapag medyo malamig ang panahon dahil sa amihan.
Pero nang mag-alas nuwebe ng umaga at wala pang kumikilos sa kapitbahay, naisip ni Vince na walang tao.
Natapos na niya ang paglilinis sa bakuran ay wala pa rin si John o si Marie.
Kumpirmadong walang tao sa bahay.
Nang makapasok si Vince sa kanyang bahay, naisip niyang ipinagsama marahil ni John si Marie sa kinadestinuhang lugar.
Maaring sinunod ni John ang payo na isama na si Marie sa lugar ng trabaho.
Sumunod na araw, nagulat si Vince nang si John na lamang ang nasa bahay.
Nasaan kaya si Marie?
Itutuloy