Bubot na Bayabas (Wakas) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

January 13, 2026 | 12:00am

PUMASOK ang dalagita.

Sumunod pala si Guava kay Apol at nakita ang pagpasok ng dalagita.

“Sino siya Apol?’’ tanong ni Guava.

“Manghihingi raw ng ba­yabas—nagugutom yata.”

“E bakit bayabas? May pagkain naman tayong puwedeng ibigay?”

“Sabi ko nga sa kanya—e tama na raw ang bayabas.”

“Aba sa lahat nang nang­hihingi e ikaw ang pinakama­bait—bayabas lang ang gusto,’’ sabi ni Guava.

“Baka sumakit ang tiyan mo kapag bayabas ang kinain mo.”

“Hindi po Mam—mabuti po ang bayabas.”

“Aba sige kung ang gusto mo e bayabas e kumuha ka. Marunong ka bang umakyat?” tanong ni Guava.

“Opo. Sanay po ako.”

“Sige kumuha ka na. Anong name mo?”

“Dorothea po.”

Napangiti sina Apol at Guava. Kapangalan pa ng kambal nila.

Mabilis na umakyat si Do­ro­thea at namitas ng bayabas.

“Saan ka ba nakatira? Na­saan ang mga magulang mo?’’ tanong ni Apol.

“Wala na po.”

Nagtinginan ang mag-asawa.

Maya-maya. “Sige bumaba ka na at baka ka mahulog,” sabi ni Guava.

Bumaba si Dorothea at pinulot ang mga bayabas.

“Puwede po bang bumalik uli rito, Mam, Sir.”

“Sige. Bumalik ka,’’ sabi nina Apol at Guava.

Bukas abangan ang bago at mainit na nobela ni Ronnie M. Halos