August 24, 2026 | 12:00am
Napapansin mo ba na may mga sandali na nanunuyo ang iyong bibig?
Sumagi ba sa iyong isipan na ang panunuyo ng bibig ay maaaring may masamang epekto sa iyong kalusugan?
Alamin kung ito ba ay natural lamang.
Sagot:
Ang panunuyo ng bibig ay maaaring isang maagang sintomas ng diabetes. Sa hindi makontrol na diabetes (mataas ang asukal sa dugo), ang labis na asukal ay lumalabas sa ihi at ito ang nagiging sanhi ng pagka-dehydrated ng pasyente.
Kaya naman, ang mga unang sintomas ng diabetes ay may kasamang dry mouth, pag-inom ng sobrang tubig, madalas na pag-ihi, at pagbaba ng timbang.
Ganunpaman, maaaring balewalain ang mga sintomas na ito dahil alam lamang ng ibang tao ang mga komplikasyon sa huli na diabetes tulad ng pagkabulag, kidney failure at sugat na hindi gumagaling.
Suriin ang iyong fasting blood sugar upang matiyak na wala kang diabetes.