Makalipas ang dalawang buwan, dumalaw si John kay Vince. Linggo.
Nagulat si Vince.
“O, John, bakit napadalaw ka?”
“Iimbitahin kita. Di ba tinanong mo ako last time kung kailan tayo mag-iinuman?”
“Oo nga. Kailan tayo mag-iinuman?”
“Sa Sabado. Birthday ni Teresa. Sa bahay tayo. Ikaw lang ang bisita namin.”
“Aba napaka-espesyal ko naman.”
“Talagang espesyal ka Vince. Si Teresa ang nag-request na imbitahin ka.”
“Aba bakit ni-request ako ni Teresa? Hindi ko pa nga siya nami-meet.”
“Pareng Vince, nagtapat na si Misis—ikaw ang susi sa aming pagbabalikan. Kung hindi sa’yo, hindi mabubuo ang aming pamilya. Napakalaking tulong na binigyan mo ng tips si Teresa para magkausap kami at magkasundo. Sabi nga ni Teresa, ikaw ang kanyang guardian angel. Kung hindi sa iyo, baka suwail pa ako hanggang ngayon.”
“E di hindi na pala ako aarte sa iyo, ha-ha-ha!”
“Oo, bistado ka na, ha-ha!”
“E di sige sabihin mo kay Teresa, happy birthday. Anong oras ba ako pupunta sa inyo?”
“Lunch time. Tapos, inom na tayo.”
“Baka malasing ako, Pareng John.”
“Hindi. Tig-apat na boteng beer lang tayo.”
“Sige, Pare.”
“Para makita mo rin ang anak namin.”
“Sige darating ako.”
Napasulyap si John sa bahay na dating inupahan.
“Wala pang umuupa sa bahay na tinirahan ko, Vince?”
“Wala pa.” (Itutuloy)