Nawawalang Chinese national, natagpuang nakalibing


Nakagapos ang mga kamay

COTABATO CITY, Philippines — Natagpuang nakalibing sa mababaw na hukay sa Barangay Masigay sa Datu Piang, Maguindanao del Sur nitong Miyerkules ang isang nawawalang lalaking Chinese national, eksaktong tatlong araw bago siya huling nakita sa Tacurong City sa hindi kalayuang probinsya ng Sultan Kudarat.

Un ang naiulat na nawawala si Shang Lai Hong ng mga kakilala nitong Lunes, bago nadiskubre ng mga pulis na nakalibing ito sa mababaw na hukay sa isang lugar sa Barangay Masigay sa Datu Piang, isa sa 24 na mga bayan sa Maguindanao del Sur.

Ayon sa mga officials ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, si Hong, isang Chinese na mula sa Sabah, Malaysia, na residente ng Dagupan City sa Pangasinan at may mga pinuntahang business contacts sa mga lungsod ng Zamboanga, sa Cotabato at Tacurong, bago siya naiulat na nawawala na nitong Lunes.

Sa ulat ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng PRO-BAR, mga residente ng Barangay Masigay at mga local executives sa Datu Piang ang nakapuna sa pinaglibingan kay Hong kaya agad itong nahukay ng mga pulis at mga sundalo at doon na nga natagpuan ang kanyang bangkay, nakagapos ang mga kamay at may mga tama ng bala.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng Datu Piang Municipal Police Station at ng mga intelligence ope­ratives ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng 601st Infantry Brigade ng Philippine Army kung paano napunta si Hong sa Barangay Masigay at nadiskubreng pinatay at inilibing doon.

May teorya sina De Guzman at mga officials ng Maguindanao del Provincial Police Office na posibleng dinukot si Hong mula sa kung saan, dinala sa Barangay Masigay at doon na pinatay at inilibing.