Lalaki lumutang sa manhole | Pilipino Star Ngayon


MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay kama­kalawa ng madaling araw sa loob ng manhole sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan.

Ayon sa ulat na nakarating kay PCol. Jay Baybayan, OIC Bulacan Police Director, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling araw sa nasabing lugar.

Agad na tinungo ng mga awtoridad ang nasabing lugar at natag­puan ang wala ng buhay na katawan ng hindi pa nakikilalang lalaki na nakalutang sa tubig sa loob ng manhole.

Nagpalabas ng police flash alarm upang posib­leng matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.