NTF-ELCAC pinuri Comelec reso | Pilipino Star Ngayon


MANILA, Philippines — Pinuri ng National Task Force to End ­Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang Commission on Elections sa paglalabas ng Resolution 11116, kasabay ng panawagan ng pakikipag­dayalogo at pag-aralan ang ilang ­probisyong maa­aring maabuso upang pahinain ang whole-of-nation approach sa pagtatapos ng communist insurgency.

Ayon kay Atty. James Clifford Santos, tagapagsalita ng Legal Cooperation Cluster (LCC) ng NTF-ELCAC, kinilala nito ang mabuting layunin ng Resolution 11116, na naglalayong tiyakin ang patas at hindi diskriminasyong eleksyon. Gayunpaman, hinihiling ng task force ang mga paglilinaw at posibleng pagbabago sa ilang probisyon upang maiwasan ang pang-aabuso na maaaring pumigil sa malayang pamamahayag at magdulot ng panganib sa pambansang seguridad.

Sa FAQ Check press conference noong Huwebes, binigyang-diin ni Atty. Santos ang kanyang pagkabahala sa “labeling” provision sa Section 2, na maaaring maging hadlang sa pagsisiwalat ng mga mapanlinlang na recruitment tactics ng CPP-NPA-NDF.

Hinihiling ng LCC ang paglilinaw sa penalisasyon ng “labeling” sa resolusyon, dahil maaaring mapalakas nito ang propaganda ng mga komunista, gayong hindi naman isans 0g statutory offense ang red-tagging at maaari nitong labagin ang kalayaan sa pamamahayag.