Hakbang ni Pangulong Marcos sa pagbaba ng presyo ng bigas suportado


MANILA, Philippines — Suportado ni ATeacher Partylist nominee Virginia Rodriguez ang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bawasan ang presyo ng bigas sa bansa ng aabot sa P6.00 hanggang P7.00 sa mga susunod na buwan dahil sa maagang pagpapatupad ng pinababang taripa sa bigas.

Ayon kay Rodriguez, magkakaroon na ng abot kayang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado at iba pang mga pangangailangan, partikular na ang mga produktong agrikultural sa pamamagitan ng mga inisyatibong isinasagawa ng kasalukuyang ­administrasyon.

Ang programang balak niyang ihain sa Kongreso ay isang krusyal na ­inisyatibo na naglalayong mabawasan ang gastos ng mga produktong agrikultural, at idinagdag pa na ang programa ay nakatuon sa paggawa ng mga organic fertilizer at pagpapatupad ng makabagong pamamaraan sa agrikultura.

Nagpasalamat naman si Rodriguez sa malaking suportang natanggap mula sa mga estudyante at organisasyon ng kabataan, na nagresulta sa pagtaas ng ratings ng ibang independent surveys at kasalukuyan ay isa ang ATeacher partylist sa mga nangunguna sa mga poll surveys.