43-game win streak ng CSB tinapos ng Letran


MANILA, Philippines — Binulaga ng Letran ang defending champion College of St. Benilde matapos ilista ang 25-22, 25-23, 26-24 panalo sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament kahapon sa Lyceum of the Philippines University Gym sa Intramuros.

Bumigwas si Nizelle Aeriyen Martin ng 19 points upang tulungan ang Lady Knights na tuhugin ang La­dy Blazers na nadungi­san ang karta.

Tangan ang malinis na tatlong panalo, nasa so­lo second place sa team standings ang Letran kasu­nod ang St. Benilde na may 3-1 marka.

Solo sa tuktok ang University of Perpetual Help System DALTA (4-0).

Maliban kay Martin ay lu­miyab din ang opensa nina Sheena Vanessa Sa­rie at Marie Judiel Nitu­ra kaya nakapagtala ang La­dy Knights ng malaking upset.

Kumana si Sarie ng 15 markers at may 12 points si Nitura para sa kanilang pa­­nalo at tuldukan ang 43-game winning streak ng Lady Blazers.