Pamangkin ni Viloria wagi kay Centeno


MANILA, Philippines — Isa pang boksingerong Viloria ang gustong gumawa ng pangalan.

Kaagad pinabagsak ni super fea­therweight Fil-Am Justin Viloria si Juan Centeno ng Nicaragua sa first round sa kanilang six-round, non-title fight sa Thunder Studios sa Long Beach Carson, California.

Ang 20-anyos na boxer ay pamangkin ni dating two-time world champion Brian Viloria.

Sinuntok ni Viloria ang kanyang malinis na 8-0 kartada tampok ang anim na knockouts matapos umakyat sa professional ranks noong 2023.

Kaagad sinugod ni Viloria si Centeno sa pagtunog pa lamang ng opening bell sa pamamagitan ng kanyang mga kombi­nasyon na nagpaluhod sa Nicaraguan fighter sa unang 30 segundo ng laban.

Dalawang solidong suntok sa bodega at ilang kombinasyon pa ni Viloria kay Centeno ang pumu­wersa sa referee para itigil na ang laban sa 1:04 minuto ng first round.