SGA nagpasabog ng 40pts kontra Nuggets


OKLAHOMA CITY — Nagpasabog si Shai Gilgeous-Alexander ng 40 points para banderahan ang Thunder sa 127-103 dominasyon sa Denver Nuggets sa matchup ng top two teams sa Western Conference.

May walong assists din si Gilgeous-Alexander at perpektong 8-of-8 shooting sa free throw line para sa pang-pitong dikit na ratsada ng West-leading Thunder (53-11).

Humakot si Nikola Jokic, kagaya ni Gilgeous-Alexander ay isa ring top contender sa NBA MVP race, ng 24 points, 13 rebounds at 9 assists sa panig ng Denver (41-23).

Sa Milwaukee, umiskor si Max Strus ng 17 points sa 112-100 paggupo ng NBA-leading Cleveland Cavaliers (54-10) sa Bucks (36-27) para sa kanilang ika-14 sunod na panalo.

Sa Minneapolis, buma­nat si Anthony Edwards ng 25 points sa 141-124 paglantak ng Minnesota Timberwolves (37-29) sa San Antonio Spurs (26-36).

Sa Inglewood, California, isinalpak ni Kawhi Leonard ang isang hook shot sa pagtunog ng final buzzer para sa 111-110 overtime win ng Los Ange­les Clippers (35-29) sa Sacramento Kings (33-30).