Lakers dinispatsa ng Timberwolves | Pilipino Star Ngayon


LOS ANGE­LES — Humakot si center Rudy Gobert ng mga playoff career highs na 27 points at 24 rebounds habang may 23 mar­kers si Julius Randle sa 103-96 panalo ng Minnesota Timberwolves sa Game 5 at sibakin ang Los Angeles Lakers sa Game 5 ng kanilang Western Conference first-round series papasok sa semifinals.

Naglista si Anthony Edwards ng 15 points at 11 rebounds para sa 4-1 pagtiklop ng Timberwolves sa kanilang duwelo ng Lakers.

“It’s not about b­eating a specific person. It’s about a championship, and we’ve got a little bit more work to do before that,” pahayag ng 7-foot-2 na si Gobert.

Lalabanan ng Minnesota sa semifinals ang mananalo sa serye ng Golden State at Houston.

Umiskor si Luka Doncic ng 28 points at may 22 markers si LeBron James para sa Los Angeles.

Nagdagdag si Rui Hachimura ng 23 points para sa Lakers na isang beses lamang nakapasok sa semifinals sa nakalipas na limang seasons sapul noong 2020 championship sa Florida bubble.

Sa San Francisco, bumira si Fred VanVleet ng 26 points at may 25 markers si Amen Thompson para sa 131-116 pagtambak ng Houston Rockets sa Golden State sa Game 5 at idikit sa 2-3 ang kanilang duwelo.

Nagdagdag si Dillon Brooks ng 24 points para sa Rockets

Nagtala si reserve Moses Moody ng 25 points para sa Warriors habang may 13 points si Stephen Curry at may 8 markers si Jimmy Butler.