MANILA, Philippines — Batay sa report ng Omnichannel Fraud Report ng TransUnion na pumapangalawa ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng digital fraud sa buong mundo para sa taong 2024.
Kaya naman ay pinag-iingat ni TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell Espiritu ang mga manggagawa laban sa mga scammers na mawawala ang kanilang ipon mula sa araw-araw nilang kayod at sakripisyo sa maling pagpindot.
Kaya agad na nagmungkahi ang 106 TRABAHO Partylist sa mga ahensiya ng gobyerno, institusyong pinansyal at mga kumpanya sa teknolohiya na magpatupad ng mainstream digital literacy programs gaya ng araw-araw na text blast, free tv commercials, at community-based seminars.
Hindi umano sapat ang minsanang pabatid na kadalasang natatabunan sa email inbox ng mga tao. “Yung mga ibang biktima, pinagod at pinagtrabaho na sila sa mga online task, niloko pa sila na kailangan nila magdeposit ng libu-libong halaga para maka-withdraw sila ng mas malaking halaga,” dagdag pa ng abogado.
Kaya naman patuloy ang TRABAHO Partylist sa paglalabas ng educational content sa social media, gaya ng reel na “Trabaho o Mabaho” na nagbibigay babala sa milyun-milyong netizens laban sa talamak na online scam at digital fraud.
