Maligamgam na tubig maraming benepisyo


MARAMING benepisyo sa katawan ang pag-inom ng maligamgam na tubig:

1. Magandang panunaw – Ang pag-inom ng mali­gam­gam na tubig ay madaling paraan upang mapabuti ang kalusugan. Kapag ang tao ay hindi umiinom ng sapat na tubig, ang maliit na bituka ay sumisipsip ng mas mara­ming tubig sa nakonsumong pagkain at ininom. Ito ang dahilan para maging dehydrated at mahirapan dumumi. Ang sobrang dehydration ay maaaring magresulta ng ma­lalang constipation o pagtitibi.

2. Para maging regular ang pagdumi – Kung kumpleto sa dami ng tubig na iniinom, mas madali at magiging re­gular ang pagdumi dahil mas magiging malambot ito at madaling mailabas.

3. Magandang sirkulasyon – Ang pag-inom ng mali­gamgam na tubig ay maaaring makapagpabuka ng blood vessel para dumaloy ng mas maayos ang dugo at sus­tansiya sa katawan.

4. Nakakabawas ng stress – Ang isang basong ma­ligamgam na tubig ay nakatutulong para mabawasan ang stress at anxiety.

5. Maayos at mahimbing na tulog — Ayon sa pagsa­saliksik, ang pag-inom ng isang basong maligamgam na tubig ay nakatutulong para ma-relax ang katawan at ma­katulog nang maayos. Maiiwasan din ang magising sa madaling araw.

6. Mabuti sa tiyan – Ang maligamgam na tubig ay nakatutulong sa maayos na pagtunaw ng kinain. Tumu­tulong Para makapasok ang sustansya sa katawan.