Batang Pier isinalya ng FiberXers; Hodge pinatawan ng P100K multa


MANILA, Philippines — Lalo pang inilaglag ng Converge ang NorthPort matapos ang 111-92 panalo sa Season 49 PBA Philippine Cup kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Kumolekta si Alec Stockton ng season-high 33 points bukod sa 3 rebounds at 3 assists para sa 6-3 record ng FiberXers.

Bagsak ang Batang Pier sa pang-limand dfikit na kamalasan para sa 1-5 baraha kasama ang Terrafirma Dyip sa ilalim.

“It’s a good bounce-back win for us. Somehow bumalik kami on how we want to play our game,” sa­bi ni Converge coach Franco Atienza makaraan ang naunang kabiguan sa Barangay Ginebra.

Samantala, pinagmul­ta ng PBA si Meralco for­ward Cliff Hodge ng P100,000 bukod sa one-game suspension dahil sa pag-wrestling kay Zavier Lucero ng Magnolia noong Miyerkules.

Nangyari ang flagrant foul ni Hodge kay Lucero sa huling 2:16 minuto ng laro kung saan angat ang Hotshots sa Bolts sa 117-92.

Multang P20,000 at sus­pensyon ang ipinataw kay Magnolia assistant coach Mon Jose dahil sa pag-heatbutt kay Hodge.