MANILA, Philippines — Hangad ng University of Perpetual Help System DALTA Junior Lady Altas na makabalik sa NCAA girls’ volleyball tournament sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Bitbit ang 6-0 record, lalabanan ng No. 1 Junior Lady Altas ang No. 4 Lyceum-GenTri (3-3), habang magtutuos ang No. 2 Arellano Baby Chiefs at No. 3 EAC Lady Brigadiers sa Arellano Gym sa Legarda, Manila.
Determinado ang Junior Lady Altas na mapanatiling suot ang korona para sa back-to-back championship.
May hawak na ‘twice-to-beat’ advantage ang Junior Lady Altas.
Samantala, nagtala naman ang Junior Altas ng 9-0 record para bumandera sa boys’ division.
Tinalo ng Junior Altas ang defending champion Mapua Red Robins, 25-23, 25-13, sa pagtatapos ng eliminations noong Lunes.
Pumalo si Gabriel Macatuno ng 10 points para sa Junior Lady Altas, habang may siyam at pitong marka sina Zyro Ornos at Nathan Ciriaco, ayon sa pagkakasunod.
Nagdagdag sina John Lat at Resty Santos ng tig-limang puntos.