Kumpirmado laban ni Pacquiao kay Barrios


MANILA, Philippines — Opisyal nang inihayag kahapon ni Pinoy boxing le­gend Manny Pacquiao ang kanyang paghahamon kay world welterweight champion Mario Barrios.

Nakatakda ang suntu­kan ng 46-anyos na si Pac­quiao (68-8-2, 39 KOs) at ng 30-anyos na si Barrios (29-2-1, 18 KOs) sa Hulyo 19 sa Las Vegas, Nevada.

“I’m back. On July 19, I return to the ring to face WBC Welterweight Champion Mario Barrios at the MGM Grand in Las Vegas. Let’s make history,” wika ni Pacquiao sa Instagram.

Determinado ang da­ting world eight-division champion na agawan ng World Boxing Council (WBC) welterweight crown si Barrios.

Kasalukuyang No. 5 si Pacquiao sa WBC welterweight ratings.

Huling lumaban si Pacquiao noong Agosto ng 2021 kung saan siya natalo kay Cuban Yordenis Ugas via unanimous decision para sa World Boxing Association (WBA) welterweight belt.

Nauwi naman sa draw ang hu­ling laban ni Barrios kay Abel Ramos noong Nob­­yembre.

Kasalukuyan nang nag­­­­papakondisyon si Pac­quiao sa Wild Card Bo­xing Gym ni coach Freddie Roach kasama si Pinoy trai­­ner Buboy Fernandez.

Kasabay ni Pacquiao sa pag-eensayo ang anak na si Jimuel na gagawin ang professional debut sa undercard ng laban ni ‘Pacman’ kay Barrios.

Pangarap ng 24-anyos na si Jimuel na sundan ang yapak ng ama.