Thunder diniskaril ng T-Wolves sa Game 3

MINNEAPOLIS —  Hindi hinayaan ng Minnesota Timberwolves na lalo pa silang mabaon ng Oklahoma City Thunder sa kanilang conference finals series.

Nagkuwintas si Anthony Edwards ng 30 points, 9 rebounds at 6 assists para banderahan ang Timberwolves sa 143-101 paglampaso sa Thunder sa Game 3 ng Western Conference finals.

Idinikit ng Minnesota sa 1-2 ang kanilang best-of-seven showdown ng Oklahoma City at may pagkakataong makatabla sa Game 4 bukas.

“We know what we have to do,” sabi ni Timberwolves coach Chris Finch sa pagkulapso nila sa third period sa Game 2 na sinamantala ng Thunder para itayo ang 2-0 lead sa serye. “We have to avoid the five-minute meltdown.”

Nag-ambag si Julius Randle ng 24 points habang may 15 markers si rookie Terrence Shannon Jr. para sa Minnesota.

Umiskor lamang si NBA MVP Shai Gilgeous-Alexander ng 14 points mula sa mahinang 4-for-13 field goal shooting para sa Oklahoma City.

Inilista  ng Timberwol­ves ang 20-point lead matapos ang first quarter, 34-point advantage sa halftime at ang 40-point bubble patungo sa fourth period.

Iniupo na ni Thunder coach Mark Daigneault si Gilgeous-Alexander at kanyang mga key players para ihanda sa Game 4.

Samantala, pipilitin ng Indiana Pacers na maiposte ang malaking 3-0 ben­tahe sa kanilang E­astern Conference finals series ng New York Knicks.

Gagawin ngayon ang Game 3 sa Indianapolis.

Thunder diniskaril ng T-Wolves sa Game 3

MINNEAPOLIS, Philippines —  Hindi hinayaan ng Minnesota Timberwolves na lalo pa silang mabaon ng Oklahoma City Thunder sa kanilang conference finals series.