43rd PAL Manila Marathon kasado na sa Hunyo 22


MANILA, Philippines — Lalarga na ang Philippine Air Line (PAL) Manila International Marathon sa Hunyo 22 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex.

Tinatayang mahigit 1,000 runners kabilang ang 80 foreign running enthusiast ang sasali sa 42.195-km. run. 

Ayon kay Dino Jose, ang organizer ng taunang paligsahan, nasa 300 runners na ang nagpa-rehistro sa nasabing takbuhan na lalahok sa  21-km, 10-km at 5-km. 

“Marami na ang nagkumpirmang sasali sa paligsahan natin,” sabi ni Jose sa lingguhang Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports noong Huwebes sa Rizal Memorial Sports (RMSC) Complex Confe­rence Room.

Sinabi rin ni Jose na  lilimitahan lamang nila sa 1,000 runners lamang ang lalahok sa nabanggit na marathon upang madaling kontrolin ang karera.

Ang lahat ng mga interisado ay maaaring magparehistro  sa mga piling sangay ng Chris Sports sa SM North EDSA, MOA, Trinoma at Robinsons Manila. Pwede  rin magpatala sa online sa Race Roster. 

Lahat ng makakatapos ng karera ay gagawaran ng medalya at bibigyan gift packs mula sa mga  sponsors at may t-shirt din para sa mga tatakbo ng full marathon at half-marathon. 

Noong nakaraang taon,  nagkampeon sina Richard Salano at Maricar Camacho  nasabing  marathon. 

Asahan na mahigpitang labanan dahil sa pagtakbo ng mga foreign runners  na kinabibiangan ni Nasser Allali ng France na nais makabawi matapos na pumangalawa kay Salano noog nakaraang taon. 

Puntirya rin ng mga kalahok na mahigitan ang Marathon record sa Pilipinas na 2:14:27 na naitala ni Waldemar Cierpinski ng Almenia noong pinakaunang edisyon ng karera noong 1982. 

Si Cierpinski ay nag-uwi ng dalawang gintong medalya sa marathon noong Montreal 1976 Olympics at matagumpay na inulit ito sa Moscow 1980.