Suporta ng kapulisan kay Torre, hiling ni Marbil!


MAHIGPIT ang panawagan ni outgoing PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa 232,000 na kapulisan na suportahan si incoming PNP chief Maj. Gen. Nicolas Torre III. “Maj. Gen. Torre is a dedicated, experienced, and principled officer. I’am confident that he will continue to lead the PNP with integrity and vision,” ani Marbil. “I urge every officer and personnel of the PNP to extend him the same support and cooperation you have given me,” ang dagdag pa ni Marbil. Si Torre ay hinirang ni President Bongbong Marcos na ­maging 31st PNP chief. Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang appointment ni Torre ay based on merit at hindi ito magresulta ng demoralization sa PNP organization.

Malakas ang paniniwala ni Marbil na ipagpatuloy ni Torre ang gains ng PNP sa anti-criminality campaign kung saan nagresulta ito ng matiwasay na peace and order environment sa mga komunidad sa Pinas. Kung sabagay, dumaan na si Torre sa iba’t ibang puwesto sa PNP organization at kilala ito na nagpasulong ng internal reforms, community partnership at investigative excellence. Bago mahirang na PNP chief, si Torre ay naging hepe ng Quezon City Police District, PRO11 sa Davao Region at sa Criminal Investigation and  Detection Group (CIDG). Palaging nababanggit si Torre dahil sa pamumuno n’ya sa pag-aresto kay KOJC Pastor Apollo Quiboloy at pagbiyahe ni Tatay Digong sa The Hague sa Netherlands. Itong dalawang malalaking accomplisments ang nakatulong para hirangin siya ni BBM.

Ayon kay Marbil, kilala naman n’ya ever since si Torre at naniniwala s’yang ipagpatuloy nito ang sinimulan n’yang reporma sa PNP. “Sabi ko, just continue the reform, kung ano yung nakikita mong kailangan nating improvin. Kung ano yung pagkakamali during my time, we have to correct it,” ang giit ni Marbil. “I know he’s better than me. Ayun lang naman. Of course, nakikita namin yung mga more senior officers that will be left behind,” aniya. “Ang sabi ko lang, we have to see and treat them well. But, anybody can be the chief. Kayang-kaya naman nila. Lahat naman yan magagaling. They’re better than me. 100 percent.” ani Marbil.

Sinabi ni Marbil na tuwang-tuwa s’ya sa kanyang ­pagretiro dahil nasa magandang kalagayan na ang PNP sa ngayon. “We can say we were better off. We are proud of our uniform,” ang paggigiit ni Marbil. “Ang sabi ko nga, ano ba regalo ko sa PNP—Two things lang: number one, dignity in your uniform. I gave you the best commanders. Look at our armies, look at our stars right now,” ayon pa kay Marbil. “Tinanong sa akin, sino puwede mag-chief? Anyone can be the Chief PNP. Kung puwede nga, colonel, puwede, kasi magagaling talaga. Talagang we make sure na yung mga nandito ay eto na yung regalo namin sa mga tao namin: give them the best commanders,” ang pagtatapos ni Marbil. Mabuhay si Marbil! Si Torre, na miyembro ng PNPA Tagapagpatupad Class of 1993, ang 4th PNP chief sa ilalim ng gobyerno ni BBM. Tiyak makakapuwesto ang mga mistah ni Torre, maliban lang sa isa na walang ginawa kundi siraan siya. Abangan!