MANILA, Philippines — Winalis ng National University-Nazareth School ang kanilang two-game debut sa 2025 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (SGVIL) Rising Stars Cup Division 1 kahapon sa La Salle Green Hills Gym.
Nagmula ang reigning UAAP champion sa pagkopo sa gold medal sa Ilocos Norte Palarong Pambansa para sa kanilang unang panalo sa Pool D.
Tinalo ng NUNS ang Far Eastern University-Diliman, 25-19, 25-23, tampok ang pitong puntos ni UAAP Season 87 MVP Sam Cantada sa pinakamalaking grassroots volleyball league na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.
Sa pagbabalik muli sa aksyon kinahapunan ay tinalo ng Lady Bullpups ang St. John’s Institute-Bacolod Falcons, 25-23, 25-14.
Sunod na haharapin ng NUNS ang University of the Philippines Integrated School (0-3) at UST (2-1) ngayong araw para isara ang pool play.
Tinapos ng Lady Baby Tamaraws ang elims sa 3-1 at bigong madakma ang outright quarterfinal berth.
Hihintayin pa ng FEU-Diliman ang resulta ng mga huling laro sa Pool D kung makakapasok sila sa knockout stage o tuluyan nang masisibak.
Sa Pool B, winalis din ng Bacolod Tay Tung ang kanilang back-to-back debut schedule laban sa Bethel Academy, 25-14, 25-16, at De La Salle-Lipa, 25-18, 25-18. sa torneong itinataguyod ng Mikasa, Asics, Team Rebel Sports, Belo Deo at Smart sa 1-3 slate.
