Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang matagumpay na buhay sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman ni Norman Ang sa rooftop ng kanilang bahay ay may tanim pa siyang pakwan.
Si Norman ay owner City of Greens Garden na makikita sa Block 3 lot 57 Flamingo Street, Vista Verde South, Phase 4, Mambog 3, Bacoor City, Cavite.
Nagsimula ang pagtatanim ng mga gulay ni Norman noong kasagsagan ng pandemic sa covid-19.
Aniya mayroon silang bakanteng lote at doon siya nagsimulang magtanim-tanim para malibang, may makain at makatulong na pa-ngalagaan ang inang kalikasan.
Noong una ay family consumption lang ang hangad ni Norman, pero marami sa kanilang kapitbahay at kaibigan ang nakatikim ng kanilang mga tanim at bumili.
Dahil sariwang-sariwa, bagong harvest at masarap ang lasa ng mga produce na gulay ni Norman, kaya lalo pang dumami ang mga tumatangkilik sa kanilang mga tanim.
“Mula sa aming bakanteng lote ay nagtanim na rin ako sa rooftop namin, which is my extension po,” sabi ni Norman.
Nagsimula sa 2k na puhunan na pinambili ng binhi at iba pang garden materials, ngayon ay maganda na ang kita.
Ayon kay Norman nahingi lang niya sa kanilang opisina ang mga styrobox at ice cream box na kanyang mga ginagamit sa pagtatanim.
“Maliit lang ang gastos pero malaki ang kita dahil ang iba kung gamit ay patapon na bagay lang sa aming opisina,” pahayag pa ni Norman.
Yummies with cocopeat ang gamit ni Norman sa kanyang hydroponics method of farming na mas mati-pid kumpara sa ibang pamamaraan ng pagtatanim.
Isa sa pumukaw ng aking paningin ay ang magagandang tanim na pakwan ni Norman sa bubungan ng kanilang bahay na nagsisimula nang maglabas ng bunga.
Aniya, self pollination ang kanyang ginagawa sa mga flower ng kanyang mga tanim na pakwan para ma-tuloy ang mga ito sa maganda at malaking bunga.
Pahayag pa ni Norman, tanggal ang pagod niya sa tuwing nakikita niya ang kanyang magagandang tanim.
“Dati nga may tanim akong kamatis na hitik sa bunga pero ayaw kong pitasin dahil tuwing nakikita ko ay nare-relax ako,” sabi pa ni Norman.
Hinihikayat ni Norman ang iba na magtanim na rin ng kanilang sariling pagkain.
Willing na ibahagi sa iba ni Norman ang kanyang teknik sa pagtatanim sa mga nais matuto.
Ang team ng Masaganang Buhay at Ang Magsasakang Reporter ay sumasaludo sa iyo Norman Ang dahil ang pahiram na talento sa iyo ng Panginoon ay handa mong ibahagi sa iba.
Sa mga residente ng Bacoor Cavite na nagnanais matuto sa pagtatanim at mag-avail ng mga produkto na tanim ni Norman Ang ay i-text lamang po ninyo siya sa kanyang number na 09178064714
Ngayong Linggo, June 8, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Norman sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Lumi-nares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.