Mongolia binalasa ng Alas sa AVC


MANILA, Philippines — Kaagad nagparamdam ng puwersa ang Alas Pilipinas matapos gibain ang Mongolia, 25-18, 25-16, 25-14, sa 2025 Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Nations Cup kahapon sa Hanoi, Vietnam.

Bumanat si Vanie Gandler ng 16 points at may 11 markers si Angel Ca­nino, habang may pitong marka si Eya Laure.

Nag-ambag si three-time UAAP MVP Bella Be­len ng anim na puntos.

Sunod nilang lalabanan ang Indonesia ngayong ala-1:30 ng hapon.

Bukas ay susukatan ng mga Pinay spikers ang mga Iranians sa alas-4 ng hapon.