Pag nagkataon, parang Pinoy boxing festival ang Manny Pacquiao vs Mario Barrios sa Las Vegas sa July 19.
Bukod of course kay Pacquiao na nasa lead role, tila pasok na sa undercard sina Eumir Marcial, Jerwin Ancajas at Mark Magsayo.
Si Marcial ang Tokyo Olympics bronze medalist at si Ancajas ang matagal nagharing IBF junior-bantamweight champion.
Si Magsayo ang former WBC featherweight champion.
May isang buwan pa at ikinakasa na ang laban ng tatlo. So far, si Marcial pa lang ang may kalaban, si Alexis Gaytan ng United States.
Pero para makasiguro, puspusan na ang training nila. Nasa Los Angeles na din sina Marcial, Ancajas at Magsayo at sumasabay sa training ni Pacquiao.
I’m sure mapapasabak sila kay Pacquiao dahil sa edad na 46, pambihira pa rin ang stamina ng eight-division champion.
Sabi nga ni Bob Arum, ang dating promoter ni Pacquiao, wala pa siyang nakitang athlete sa anumang sport ang mas matindi pa mag-training kesa kay Pacquiao.
Good news na malakas pa ang resistensya ng ating Pambansang Kamao.
Sa takbuhan nga raw paakyat sa Hollywood sign, nauuna pa sa ahon si Pacquiao kesa sa mga bata niyang kasama.
Sana ganun din ang kalabasan sa itaas ng ring laban kay Barrios na 16 years younger kay Pacquiao.
Iba ang training sa actual fight.