E-Painters pinabili lang ng suka; pumasok pa sa semis ng Philippines Cup


MANILA, Philippines —  Ibinasura ng No. 7 Rain or Shine ang hawak na ‘twice-to-beat’ advantage ng No. 2 NLEX sa quarterfi­nals para umabante sa se­mifinals ng PBA Season 49 Philippine Cup.

Dinalawahan ng Elasto Painters ang Road Warriors, 92-89, at 103-92, para labanan ang TNT Tropang 5G sa best-of-seven semis series na magsisimula sa Miyerkules sa MOA Arena sa Pasay City.

Winalis din ng No. 6 Tro­pang 5G ang No. 3 Mag­nolia Hotshots, 89-88, at 80-79, papasok sa semis at buhayin ang tsansa para sa pambihirang PBA Grand Slam.

“Ang daming mas ma­la­king mga kumpanya, mas maraming resources, pe­ro kami, nakarating dito,” sabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao.

“Pinabili lang kami ng su­ka, nakarating kami dito. Pintura, kasama na. So gate crasher kami, nagpa-party sila, pinapasok nila kami sa gate. Eh di magpa-party na rin kami diba? Ga­nun lang ‘yun,” dagdag ng 66-anyos na seven-time champion coach.

Magtutuos naman sa isa pang semis series ang mag-utol na San Miguel at Barangay GInebra.