DUMATING na sina Mary Underwood at pamilya nito. Agad na tinawagan si Hiyasmin.
“Narito na kami sa Manila Hotel, Hiyasmin. Thanks God, safe ang biyahe namin. Excited na ako at aking pamilya na makita kayo. Punta na kayo rito bukas ng umaga. Sa lobby tayo magkita at pagkatapos saka tayo mag-lunch. Okey Hiyasmin?”
“Yes po Tita Mary. Kung maari nga lang na ngayon na kami magpunta riyan pero kailangan ninyong mag-rest muna. Bukas ng umaga, nariyan na kami. Excited na rin kaming makita kayo, Tita.”
“Alam na ba ni Lira—ng mommy mo?”
“Opo. Excited na nga siya. Gustung-gusto ka na niyang makita.”
“Aba sabihin mo, huwag siyang iiyak ha?”
Nagtawa si Hiyasmin.
“Tiyak ko na iiyak siya Tita.”
“Mababaw ang luha niya, ha-ha-ha!”
“Alam mo ang mababaw ang luha, Tita?”
“Of course, Hiyasmin—iyakin!”
“Pinahanga mo na naman ako, Tita.”
“Mas hanga ako sa inyong mag-ina, Hiyasmin.”
“Salamat Tita.”
“So, bukas ng umaga, magkita-kita tayo.”
“Opo.”
KINABUKASAN, wala pang alas otso ng umaga ay nasa Manila Hotel na sina Hiyasmin, Dax at Mama Lira.
Naghihintay na sa kanila sa lobby ang pamilya ni Mary Underwood.
Mahigpit na nagyakap sina Mary at Mama Lira. Umiyak si Lira.
Itutuloy