MANILA, Philippines — Ibinahagi nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara ang isang medyo nakakatakot nilang karanasan sa Korea kung saan sila naging matalik na mag-kaibigan.
Ikinuwento nina Barbie at Kyline na mayroon silang napuntahang abandonadong lugar sa kagustuhan nilang makakain ng unlimited Korean BBQ.
Nasa South Korea sina Barbie at Kyline para sa taping ng kanilang palabas na «Beauty Empire,» kasama sina Ruffa Gutierrez, Gloria Diaz, Sam Concepcion at Korean actor Choi Bo-min.
